Ako po si Bernard nakatira sa Negros occidental nag simula ang kwento ng kababalaghan nung naisip an ni ate kung buntis na dumalaw sa tita namin sa Roxas capiz.
Marami ng mga chismis na kumakalat na may
mga aswang daw sa lugar na yun at yun nga ang Roxas capiz nung araw ng byernes nag byahe kami ng ate ko mula negros papuntang Capiz.
Nung unang baba namin sa barko ok namn madaming tao maingay at di namn nakakatakot tapos sumakay kami ng jeep papuntang bus termenal tas sumakay na kami ng bus papunta nila tita medyo malayo sya kasi nasa parti na sya ng bukid tapos habang nag babyahe kami sa madilim na daan yung mga pasahero sa bus ay naka tingin samin ng ate ko kasi buntis yung ate ko pero binaliwala lang namin yun.
Tapos yung driver ng bus nag sabi samin na hanggang dito nalng po ang byahe ko hindi napo ako makakapasok don tapos nag taka kami kung bakit sabi nya “mag ingat kayo sa mga tao dito” tapos tinanong sya ng ate ko kung bakit po dina nag salita ang driver at umalis na agad my cellphone naman ako at my flashlight si ate para gamitin naminng ilaw papasok na probinsya.
Nung pag dating namin kailangan pa naming sumakay sa tricycle sabi kasi ni tita samin mag hintay lang daw kami sa waiting shed tapos my mga tao sa dulo grabe yung tingin nila samin ni ate lumalaki ang mga mata nila natatakot na ako non ganon din si ate ko.
Mayat maya dumating si tiya niyakap sya ni ate at nag Mano ako sa tiya ko tapos my binulong si tiya ko sa ate ko na dapat umaga kayo pumunta dito kasi sa mga gantong medyo delikado na ang lugar nato lalo na buntis kapa.
Dina nag tanong pa si ate kay tiya pero kinakabahan na ako noon tapos nag simula na kaming mag lakad nang bigla naming na kasalubong ang isang matandang ale biglang nag salita si tiya na pamangkin ko pala dinalaw ako dito tapos umalis kami agad.
Ang lakad namin ay parang tumatakbo na dumaan pa kami sa maisan tapos na sa dulo bahay na nila tiya nag mamadali silang mag lakad ganon nadin ako pag dating namin sa bahay nila nag hahanda na ng hapunan yung pinsan naming babae at ang asawa ng pinsan naming.
Tapos habang kumakain kami sinabi lahat ni tiya at ng pinsan ko ang mga kababalaghan na nangyayari sa kanilang lugar nilagyan ni tiya ang tyan ng ate ko ng Lana tapos nag kwento na si tiya na madami daw asawang sa lugar nila meron daw maitim na aswang at puting asawang ang maitim na aswang ay kumakian ng laman ng tao at pumapatay ng mga tao ang puting aswang namn ay sila yung mga aswang na mga hayop lang ang kinakain nila tapos biglang my narinig kami na ungol ng aso.
Sa maisan tapos biglang tumahimik at mayat maya biglang my pumagaspas sa bubung ng bahay nila tiya tapos yung ate ko umiiyak kasi daw subrang sakit ng tyan nya para daw kinukuha yung bata sa loob my mga tumubong pasa ng kamay sa tyan ng ate ko iyak ng iyak yung ate ko tapos si tiya namn hindi tumigil sa pag sa pag mumura sinasabi ni tiya na kilala ka namin bukas na bukas din pupuntahan kita at susunugin tapos biglang tumahimik tapos yung asawa ng pinsan kung babae lumabas at at nag dala ng itak tapos sigaw sya ng sigaw sa labas na kilala ka namin papatayin kita pag nahuli kita tapos nag pa apoy sya sa labas ng guma para daw hindi makalapit ang asawang nang biglang my umungol sa maisan at nasa labas ang asawa ng pinsan kung babae sumilip ako sa bintana at nakita ko ang malaking baboy na lumabas sa maisan kulay itim sya malaki
at namumula ang mga mata at biglang tumalon sa harap ng asawa ng pinsan ko tapos tumakbo papuntang likod ng bahay tas hinabol nya naging matapang ang asawa ng pinsan ko pero makikita mo sa mga mata nya ang takot pero mas pinili nyang maging matapang yun sinugod na ng asawa ng pinsan ko ang baboy sa ilalim ng bahay nila tapos naririnig nalang namin ang sigaw ng baboy at sigaw ng asawa ng pinsan ko yung parang nag pa patayan na sila grabe yung takot namin nung gabing yun tapos biglang my tumalon galing sa ilalim ng bahay ang baboy at naging babae at tumakbo ito papalayo tapos sigaw ng sigaw ang tiya ko na bukas na bukas pupuntahan ka namin para patayin at sunugin nung lumabas na ang asawa ng pinsan ko na galit na galit at bigla nyang sinabi na nataga nya daw sa likod at dibdib yung asawang at nawala narin ang sakit ng tyan ng ate ko at biglang tumahimik ang lahat kinabukasan umuwi kami agad ng ate ko pa balik sa negros at sinabi ng ate ko na hinding hindi na daw sya babalik sa lugar nayun at dyan nag tatapos ang kwento ng kababalaghan sa Roxas, CAPIZ.
________________________________
This is a fictional and not true. Credits to the photo owners. Want to know more? Please send us an email.
Comments