Noong unang panahon uso na talaga ang mga aswang at ang mga maligno kahit saan ka pumunta may maririnig kang usap-usapan tungkol sa mga aswang at kung ano ang mga ginagawa nila sa mga biktima nila ang kadalasan daw mga biktima nila ay ang mga buntis, bata, at ang mga mahihinang tao kaya naman ang mga tao ay nag isip ng paraan para mapatay nila ang mga aswang kaya ng makita ng mga tao na may binibiktima ang aswang ay nilusob nito at hinabol hanggang sa maabutan nila ito at mapatay kaya mula noon kampanti na at masaya na ang mga tao.
At lumipas ang mahabang panahon at nakalimutan na ng mga tao ang tungkol sa mga aswang 1986 sa pasig may isang barangay doon na pinakaliblib napakalayo nila sa bayan masaya at masagana may isang pamilya ang dumating at nanirahan doon hindi sila nakikihalobilo sa mga tao kaya naman ang mga tao sa barangay nayon ay nag taka at nag isip tungkol sa pamilyang dayuhan Kung bakit hindi sila lumalabas ng bahay lumipas ang mga araw at nag simula ang mga kababalaghang nangyari sa barangay nayon nag taka ang mga tao kung bakit namamatay ang mga alaga nilang hayop at nawawala ang mga laman loob nito pero hindi pinansin ng mga tao ang mga nangyari pero gabi gabi nalang may naririnig silang ingay galing sa kulungan ng kanilang mga alagang hayop at kinabukasan patay na baka ang naabutan nila at pareho nong nauna wala ang laman loob nito at doon na nga nabahala ang mga tao ng may mag kwento tungkol sa mga aswang at kung ano ang mga ginagawa nila sa mga biktima kinakain ang mga laman loob nito lalo na ang puso kaya makikita mo ang mga biktima na wakwak ang kanilang mga tiyan at wala ang mga laman loob nito.
Isang gabi may mag asawang nag mamadaling nag-iimpaki ng kanilang mga damit dahil manganganak na ang asawa nito kaya ng makita ng pamilyang aswang ang mag asawa ay naglalaway ang mga ito habang pinapanood ng babaeng manganganak ng umalis na ang mag asawa na nakasakay sa isang kalisa at ng malayo na sila sa kanilang barangay ang kanilang kabayo ay biglang nataranta at tumalon talon andon na pala ang pamilyang aswang nakita ng babae ang mga aswang ng nanglalaway dahil sa napakasarap ng amoy para sa kanila ang mga buntis at lumaban ang asawa ng babae pero wala din itong nagawa kaya namatay ito habang pinapanood ng babae ang kanyang asawa na kinakain ang mga lamang loob nito takot na takot sya dahil ang babaeng aswang na nakita nyang papalapit sakanya sumisigaw ang babae na tulong tulong pero walang nakakarinig sakanya dahil walang tao at dahil na din nasa gitna na sila ng parte sa kanilang bayan kaya ang babaeng buntis ay walang nagawa kundi umiyak ng umiyak at takot na takot nilusob sya ng babaeng aswang at pinatay habang inaamoy amoy nito ang tiyan lumapit na din ang pamilyang aswang at pinag saluhan ang babaeng buntis winakwak ang kanyang tiyan at kinain ang bata na nasa loob nito kinaumagahan nakita ang mag asawa ng may dumaan na isang tao takot na takot ito kaya hindi nya nilapitan ng mga bangkay nag mamadali syang pumunta sakanilang barangay at takot na takot habang binabalita ang nakita nya pinuntahan ng mga tao ang lugar kung saan pinatay ang mag asawa takot na takot ang mga tao dahil sa nakita nila wakwak ang mga tiyan nito at wala ang mga laman loob kaya mula noon nagtaka na sila at nag isip na ang mga aswang noon ay nandon na sakanilang barangay kaya naman nag pulong ang mga tao doon at napagkaalaman nila na hindi dumalo sa pag pupulong ang pamilyang dayuhan kaya naman nag taka ang mga tao kung bakit ayaw makihalubilo ng pamilya kaya naman ang mga tao ay nag simulang pagdudahan ang pamilyang dayuhan na baka sila ang mga aswang sa kanilang barangay isang gabi ng nagroronda ang mga tao sa buong barangay may napansin silang isang kakaibang bagay sa kakakahoyan sa madilim na sulok at ang mga tao ay takot na takot lumapit at yon nga nakita nila ang pamilyang aswang na kinakain ang dalawang binatang lalaki takot na takot ang mga tao pero hindi sila nag dalawang isip na habulin at patayin ang pamilyang aswang kaya ng hinabol ng mga tao ang pamilyang aswang una nilang naabutan ang ang batang aswang umiiyak na pinagpapapatay nila ito at nag patuloy silang habolin ang iba pa isa isa nilang nakita at pinagpapapatay ang pamilyang aswang kaya ng mapatay na nila ang lahat ng aswang tuwang tuwa ang mga tao habang umiiyak.
Kinabukasan napag alaman ng mga tao na walang tao sa bahay ng pamilyang dayuhan at don na nga nila pinagtanto na ang pamilyang dayuhan at ang pamilyang aswang ay iisa kaya mula noon hindi na nag papapasok ng dayuhan sa barangay na yon bumalik ang lahat sa dati naging tahimik at masaya ang mga tao sa barangay.
Pero hanggang ngayon sa ating panahon ay may mga aswang pading gumagala at nag hahasik ng lagim kaya mag ingat at baka ikaw na ang susunod nilang biktima. THE END- JohnPaul, NATL Board
Komentarze