ANG AKING SINULAT AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG
Ang sabi, ang mga kwentong katatakutan daw ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Hindi raw dapat mawala ito dahil bahagi ito kung paanong nilinang ng ating mga ninuno ang pagiging malikhain nating mga Pilipino. At ito ang aking kwento.. Ayon sa aking Tito Hulyo, ang Santelmo raw ay isang bolang apoy na magpapakita sa’yo para ika’y akitin.
At bakit ka nito aakitin? Upang kunin ang iyong buhay at masama ka sa mundo ng mga engkanto.
Ang kwento ni Tito Hulyo, naglalakad daw siya sa gubat nang may makita siyang lumulutang na bolang apoy. Alam na raw niya agad na ito’y isang Santelmo ngunit sinundan pa rin niya ito. Tila naakit daw siya sa apoy. Sinundan niya raw ang Santelmo hanggang sa lumubog ito sa ilog.
Sinundan niya raw ito at lumusong siya sa ilog. Palalim na raw nang palalim ang nararating ng Santelmo sa ilog at palalim na rin nang palalim ang nalalangoy ng aking Tito. Sa puntong ito, natauhan na raw siya’t saka umahon. Nakaligtas siya sa pang-aakit ng Santelmo. Naikwento ko ‘to sa isang kaibigan at laking gulat ko na sa probinsya nila’y may mga ganito ring kwento. Sadyang napakalawak ng tradisyong Pilipino pagdating sa mga ganitong kwento. - Jericho, Libra
This is a fictional and not true. Credits to the photo owners. Want to know more? Please send us an email.
Comentarios